Breaking News
recent

ALAMIN! DOST Susuriin ang Virgin coconut oil, para sa pagpapabilis na paggaling ng COVID-19 patients



Sisimulan ng Department of Science and Technology ang clinical trials ng virgin coconut oil (VCO) sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang tingnan kung mapabibilis nito ang kanilang paggaling.

Magsisimula ang clinical trials sa mga pasyente sa Philippine General Hospital sa Maynila, at Santa Rosa Community Hospital sa Laguna, ayon kay Science Secretary Fortunato Dela Peña.

Ang mga pasyenteng magbibigay ng kanilang pagpayag para sa clinical trial ay kakailanganing isama ang VCO bilang bahagi ng kanilang daily diet, ani Dela Peña, upang tingnan kung makakarekober sila ng mabilis kumpara sa mga hindi umiinom nito.
Advertisement
“Ang hangarin po namin ngayon ay maipakita na mas mabilis ang recovery ng mga magte-take ng VCO,” saad niya sa isang virtual press briefing.

“Malaking bagay po kung makikita na nakakapagpabilis ng recovery ito dahil abundant po ito dito sa atin at affordable naman,” dagdag pa niya.

Kung magiging matagumpay ang clinical trials, sinabi ni Dela Peña na umaasa ang DOST na maki-clear ito ng Food and Drug Administration bilang health supplement para sa mga tinamaan ng COVID-19.
Advertisement
Sa ngayon, wala pa ring nahahanap na lunas para sa COVID-19 ngunit patuloy ang clinical trials sa mga gamot na possibleng pumuksa sa sakit. 

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


ownershome

ownershome

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.