Ito ang inihayag ni Dr. Shirley Domingo ng Philhealth sa virtual presser na pinangunahan ni Health usec. Mariaa Rosario Vergeire ngayong hapon.
Ayon kay Domingo, naglabas na rin ang Philhealth ng “case rate” para sa testing upang agad na matukoy, at mas maaganag matugunan ang pangangailangang medical at agad ma-isolate ang mga COVID-19 patient.
Paliwanag ni Domingo, sa inilabas na case rate, kapag ang lahat ng serbisyo ay ginawa ang bayad dito ay P8,150 at kapag donated naman aniya ang testing kits ay P5,450.
Kapag naman ang test kits ay donated sa mga testing laboratories t ang halaga ng pagpapatakbo ng laboratory at RT-PCR machine para sa testing ay kasama sa facility budget, nasa P2,710 naman ang ibabayad ng Philhealth.
Mayroon din aniyang partnership ang Philhealth kung saan magbabayad sila ng mass testing na gagawin ng ibat-ibang Local Government Units o LGUs at ng Philippine Red Crosss.
Gayunman, sinabi ni Domingo na dapat ang mga testing center na ito ay aprubado ng Department of Health o DOH kung saan ay pag-uusapan kung paano ang gagawing pagbabayad sa mga hospital.
SAMANTALA, ang mga pasyenteng kailangang ma-isolate o ma-admit sa community facilities ay may matatanggap ding isolation package.

No comments:
Post a Comment