Breaking News
recent

Breaking In: PNP Chief Gamboa, sa mga maaaresto sa ECQ “physical distancing” sa loob ng bilangguan!



Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na maglaan ng “holding facility” sa lahat ng distrito nito sa Metro Manila na eksklusibo para sa mga maarestong lumalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Gamboa, dahil sa dami ng mga nahuhuling lumalabag sa ECQ ay kulang na ang kanilang mga regular na piitan sa mga presinto, at marami na rin ang nakakulong dito.

Gayunman, iginiit ni Gamboa na dapat ay naipatutupad din ang “physical distancing” sa lahat ng mga bilanggo upang hindi tamaan ng COVID-19.

Advertisement
Karaniwan aniya sa mga pasaway na nahuhuli ng Pulisya ay dahil sa iligal na paglabas ng bahay, pagkukumpulan at pagsasagawa ng iba pang iligal na gawain.

Una rito, sinabi ni Gamboa na epektibo kahapon, wala nang pakiusapan pa sa sandaling mahuli ng Pulisya ang mga pasaway at agad na aarestuhin, kakasuhan at ikukulong ang mga ito.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


ownershome

ownershome

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.