Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan nitong Biyernes ng gabi kung saan ibinulalas ang galit sa talunang senatoriable.
Ayon sa Pangulo, hindi na lumalabas ng bahay si Diokno simula mayroong lockdown at nasa loob lamang ng kulambo, at doon na rin kumakain.
“Si Diokno hindi makita, ang balita ko, ikaw Diokno nasa bahay ka naka-muskitero ka, kagaya ko. Ayaw mong lumabas, nasa muskitero ka, diyan ka kumakain, diyan ka nag.. Galit ako sa yo,” anang Pangulo.
Aminado ang Presidente na nagkukulambo rin ito pero dahil umiiwas ito sa lamok dahil wala aniyang screen ang kanilang bahay sa probinsiya.
Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi ito ang tamang panahon para mang-intriga na ang layunin ay galitin ang mga tao lalo na ngayong apektado ang lahat dahil sa COVID crisis.
“Galit ako sa iyo, leche ka. Mag-intriga ka sa tao sa mga panahong ito, ulol. Yang pang-ano mo sa tao is intellectual stupidity,” wika pa ng Pangulo.
Nagbabala rin si Pangulong Duterte sa mga nagpapakalat ng fake news na mumurahin niya ang mga ito araw-araw, kasabay ang banta kay Diokno na huwag magkamaling magkita sila sa isang lugar dahil patatalsikin niya ang isang ngipin nito.
“Ang pakiusap ko lang, huwag kayong mag-fake news. Pag mag-fake news kayo, mumurahin ko kayo araw-araw. Pag nagkita tayo per chance, ewan ko. Pag nagkita tayo, patalsikin ko yang isang ngipin mo,” dagdag pa ng Pangulo.(Aileen Taliping)
Source:abante.com.ph
No comments:
Post a Comment