ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na pinalawig ng ahensya ang deadline sa pagbabayad ng kontribusyon matapos isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa state of calamity dulot ng coronavirus disease 2019 (CoVID-19).
Samantala, ang mga employer na may aprubadong instalment proposals sa ilalim ng Contribution Penalty Condonation Program ay kailangang ma-deposit ang post-dated checks para sa buwan ng Pebrero hanggang Mayo 2020 hanggang sa Hunyo 1, 2020.
Paliwanag ni Ignacio na ang retroactive payments ng mga miyembro na kabilang sa self-employed, voluntary at non-working spouse ay hindi maaaring magamit bilang eligibility sa pag-claim ng kahit anong benepisyo kung ang petsa ng pagbabayad nito ay pumatak sa loob o pagkatapos ng semester ng contingency.
“Alam naman nating lahat na ang buong bansa ay nakasailalim sa enhanced community quarantine upang malimitahan ang paggalaw ng publiko. Batid namin ang hirap na dinaranas ng aming mga miyembro at employer sa pagbabayad ng kanilang kontribusyon dahil pansamantalang suspendido ang mga tellering services sa mga tanggapan ng SSS at limitado rin ang operasyon ng ilang mga bangko. Kaya naman, napagdesisyunan namin na pahabain pa ang deadline para sa kaligtasan at kaginhawan ng lahat,” dagdag ni Ignacio.
Pinaalalahanan din ni Ignacio ang mga employer na matapos ng Abril 2020, balik na sa dating regular na iskedyul ang pagbabayad ng kontribusyon. Para naman sa mga self-employed, voluntary at non-working spouse member, magbabalik sa dati nitong deadline ang pagbabayad pagkatapos ng Marso 2020.
Samantala, ang mga regular at household employer ay maaaring magbayad ng kontribusyon sa pamamagitan ng mga sumusunod na bank web facilities: BPI Bizlink, Security Bank Corporation DigiBanker at Union Bank OneHUB. Maaari rin silang magbayad ng kanilang mga obligasyon sa SSS sa pamamagitan ng eGov BancNet Online. Kabilang sa online payment facility nito ang mga sumusunod na mga bangko: Asia United Bank, Bank of Commerce, China Bank, CTBC Bank, Metropolitan Bank and Trust Company (Metrobank), MUFG Bank, Philippine Bank of Communication (PBCom), Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) at Robinsons Bank and Standard Chartered. Kinakailangan lamang na may kasalukuyang account ang employers sa mga bangkong ito upang magamit ang online services.
Bahagi ng SSS assistance package ang pagpalawig ng deadline ng pagbabayad sa kontribusyon upang matulungan ang mga miyembro at employer na lubusang naapektuhan ng pandaigdigang krisis pangkalusugan na dulot ng sakit na CoVID-19.
Source:bulgaronline.com

No comments:
Post a Comment