Breaking News
recent

De Lima Pinagdudahan ang Pangulo sa sinabing Paubos na ang Pondo ng Gobyerno “Wala pa tayo sa puntong ‘yon! Bakit ibebenta ang mga Assets?”



Manila,Philippines - nagduda si Senator Leila de Lima sa mga phayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes (April 9) sa kanyang talumpati, na nauubosan na umano ng pondo para sa publiko sa gitna ng coronavirus disease (COVID -19) pandemic.
Advertisement
Ayon kay De Lima, hindi pa umano ubos ang kaban ng gobyerno. Dapat umanong patunayan ng Pangulo na ang mga natirang pondo sa 2019 at 2020 ay nagamit na bago pa isa-alangalang ang pagbebenta ng pag-aari ng gobyerno.

Tanong naman ni De Lima kung bakit nasambit ng Pangulo ang pagbebenta ng mga assets.
“Why is Duterte hinting already of disposing of our assets? Exhausted na ba talaga ang available funds (Are the available funds really exhausted), and those that can be reprogrammed within government?” – Tanong ni De Lima.
Advertisement
“Wala pa tayo sa puntong ‘yon. Dapat makumbinse tayo na wala na talagang pera ang gobyerno (in the budgets of 2019 and 2020; funds held ng GOCCs and other agencies, etc.) at mga special purpose funds (e.g. Malampaya, road users’ fund, etc.) to begin contemplating the selling of our assets,” dagdag ni De Lima.

Ipinadala kay De Lima ang kopya ng pahayag ni Pangulong Duterte ng taohan ng senadora sa kanyang piitan sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame.

Kinwestyon din ni De Lima kung nasaan ang intel funds.

“Saka nasaan na nga ba ang napakalaking intel funds, baka naman pwedeng magamit din ito? Saka kahit ibenta pa nila lahat ng assets ng gobyerno, kung ganito pa rin kawalang liderato ang gobyerno, wala pa ring mangyayari down the line,” sabi ni De Lima.

Advertisement
Samantala, nitong nakaraan lamang, nagpahayag si Bayan Muna leaders Carlo Zarate at chair Neri Colmenares kung ano ang maaring gawin ng gobyerno sa P275 billion pondo bilang responde sa COVID-19. Iginiit ng dalawa na mayroong sapat na pondo para sa gobyerno at ang kasalukuyang administrasyon umano ay mabagal sa paggamit ng mga ito.

Ayon naman sa update sa COVID -19, meron nang 4,706 na pasyente, 203 ang mga nasawi at 124 naman ang naitalang nakaligtas na.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


ownershome

ownershome

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.