Breaking News
recent

Negosyante, tinanggap ang hamon ni Francis Leo Marcos, namahagi ng Php3M worth of grocery supplies!



Karamihan sa ating mga Pilipino ay talagang apektado ng enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang parte ng bansa, lalo na ang mga Pinoy na tanging inaasahan lamang ay ang kanilang hanapbuhay para sila ay mayroong panggastos sa araw-araw.

Dahil dito, naisip naman ng philanthropist at mayamang negosyante na si Francis Leo Marcos na gamitin ang social media platforms para hikayatin ang mga mayayamang indibidwal na magbigay ng tulong para sa mga mahihirap na Pilipino na lubos nangangailangan ng tulong ngayon bunsod ng lockdown.

Sa kaniyang Facebook live, hinamon niya ang publiko na magbigay ng kanilang tulong para sa mga mahihirap, lalo na sa krisis na kinakaharap ng bansa ngayon. Ito naman ay tinawag ni Marcos na ‘Mayaman Challenge’.
Advertisement
Ngunit, ilang araw lamang matapos niyang isagawa ang hamon na ito sa publiko, kaagad naman itong naging viral at kumalat rin sa iba’t ibang social media platforms.

Advertisement
Sa bagong video na in-upload niya sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ni Marcos na maging ang mga maliliit lamang na negosyo ay kumasa sa kaniyang hamon at ibinahagi rin sa kaniya ang tulong na ibinahagi nila sa mga tao.

Ibinahagi rin ni Marcos ang isang mayamang negosyante na si Romano Marcella na kumasa rin sa kaniyang hamon. Ani Marcos, si Marcella daw ay namahagi ng mga grocery supplies para sa mga Pinoy na nangangailangan nito, kung saan ang mga food supplies ay umabot sa nasa Php3M.
Advertisement
Sa video clip na ibinahagi ni Marcella kay Marcos, sinabi nito na tinatanggap niya ang hamon ni Marcos sa kaniya. Ipinakita naman ni Marcella ang budget na nasa Php3M na ipambibili ng mga grocery supplies para sa mga Pinoy na mahihirap. Hinikayat rin ni Marcella ang mga pulitiko na sana daw ay dagdagan naman ang bigas na kanilang ipinapamahagi sa kanilang mga nasasakupan.

Samantala, nagpasalamat naman si Marcos para sa tulong na ibinahagi na ito ni Marcella dahil malaki na rin itong tulong at maaari na rin makinabang dito ang nasa 100 na pamilya.

Panoorin ang video:

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


ownershome

ownershome

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.