Dagdag pa niya, “Ngayon, mas nararamdaman natin ang matagal nang pinupunto ng Pangulo na kailangan talagang i-develop ang iba pang probinsiya para mabawasan ang tao sa Metro Manila. Masyadong masikip dito, mabilis kumalat ang sakit. Masyado ring maraming tao, hirap na hirap tayong maalagaan lahat ng apektado.”
Ipinanukala niya ang programang “balik-probinsya” na naglalayon na tulungan ang mga pamilyang Pinoy na makabalik sa mga probinsya kapag tapos na ang public health emergency at inalis na rin ang enhanced community quarantine (ECQ).
Kabilang sa programa ang pagkakaloob ng insentibo at pangkabuhayang oportunidad sa mga Pinoy.
Aniya, “If this move becomes a national priority, it would require the government to provide transportation and livelihood options to those who have agreed to go back to their provinces for good.”
Sa pagpapatupad nito, oobligahin din ang local government units (LGUs) na magsagawa ng kinakailangang “quarantine measures and mass testing for Covid-19” para matiyak na ang mga babalik sa probinsya ay hindi nahawahan ng sakit.
Ayon pa kay Go, mas magiging madali sa mga ahensya ng pamahalaan at LGUs na magbigay ng tulong sa mga pamilyang Pinoy dahil nakakalat na sa mga rehiyon ang pondo ng pamahalaan.
“In effect, it will unburden overpopulated LGUs and would also result in additional resources for the countryside,” aniya.
Ayon pa kay Go, “Nakikita na rin ng ibang mga LGUs na nahihirapan na silang alagaan ang lahat sa panahon ngayon ng Covid-19. Gusto na rin nilang umuwi ang mga informal settlers sa kanilang mga probinsya.”
Inamin naman niya na hindi ito madaling gawin at kailangan ang malawakang paghahanda.
Prioritize first,the covid 19 cases,,,solve the covid19 problem first before anything else,sino pa babalik sa probinsya kung nangamatay na sa virus ang mga tao,mg concentrate kayo sa covid19 kng paano matapos na....
ReplyDeleteMalaki po kase sahod s manila kumpara s probinsya...
ReplyDeletePero kung may magiging trabaho s probinsya pagbumalik bakit hindi at sana ok din ang rate s probinsya
Ok na ok yan. Halos karamihan ng nasa metro manila mga taga probinsya. Pls also develop farming methods para di tayo magugutom.
ReplyDelete