Breaking News
recent

Pangulong Duterte, may “extraordinary power” para magdeklara ng martial law-AGREE BA KAYO?



Maaring gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang “extraordinary power” para magdeklara ng martial law sakaling ang kawalan ng paggalang sa batas at karahasang isinasagawa ng New People’s Army (NPA) ay hindi na makontrol.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Abril 24, at sinabing hindi magdadalawang isip ang Pangulo na magdeklara ng martial law kung magpapatuloy sa pag-atake ang mga NPA sa tropa ng pamahalaan na tumutulong sa local officials sa pamamahagi ng ayuda sa mga tao at sa pagkontina sa krisis na hatid ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ayon kay Roque, ang walang tigil na pag-atake ng mga NPA sa puwersa ng pamahalaan ang magiging legal na basehan ng Pangulo para magpatupad ng martial law.
Advertisement
“Gagamitin po niya ang extraordinary power of the presidency to declare martial law against this group na engaged in an act of rebellion against the government,” ayon sa kalihim.

Sa isang taped public address na umere noong umaga ng Abril 24, nilinaw ng Pangulo na wala siyang intensyon na isailalim ang bansa sa martial law.

Gayunpaman, mapipilitan umano siya kung magpapatuloy ang karahasan at mga pagpatay ng NPA, ang armadong galamay ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Advertisement
Ayon naman kay Interior Secretary Eduardo Año, maaaring gawin ng Pangulo ang ganoong “extreme measure” para sa kaligtasan ng publiko.

Paliwanag ni Año, “Ano ang magiging batayan kung bakit magde-declare ng martial law? Kapag nagkaroon ng massive public disorder at kung meron talagang grupo na magti-take advantage katulad ng CPP-NPA sa crisis na ito.”

Batay sa 1987 Constitution, papayagan na magdeklara ang Pangulo ng martial law “in case there is invasion or rebellion or when the public safety requires it.”
Advertisement
Nagsasagawa ng pag-atake ang NPA sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na makontina ang Covid-19.

Tiniyak naman ni Año na kontrolado pa rin ng pamahalaan ang sitwasyon.

Aniya, ”Sa ngayon naman, kontrolado natin ang mga sitwasyon dito sa ECQ. So, makakaasa ang ating mga kababayan na tayo ay sisiguraduhin natin ang kaligtasan ng lahat sa panahon ng krisis na ito.”
video

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


ownershome

ownershome

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.