Breaking News
recent

Wow!80% ng mga Pinoy, "SATISFIED" sa Tugon ng DU30 Govt laban sa COVID-19 Outbreak ayon sa Survey!



Kung nitong umpisa ng Abril ay pinaandar ng ilang grupo ang #OustDuterte hashtag sa Twitter at may ilang artista na sumakay para kundinahin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging banta nito sa mga makakaliwang grupong nagtatangkang manggulo sa panahon ng quarantine, ngayon ay may isang survey na lumabas na nagpapakita na 80% ng mga Pilipino ang kuntento sa naging tugon ng pamahalaan sa paglaban sa mabilis na pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19) .
Advertisement
Sa survey na isinagawa ng global polling firm Gallup International Association noong Abril 6 hanggang 8, lumabas na “WELL” ang nakuhang marka ng Duterte Administration. 18 porsyento lang ang nagsabi na hindi sila kuntento sa tugon ng pamahalaan sa covid-19 outbreak habang 2 porsyento ang hindi makapagdesisyon.

Noong Marso 24 ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act (RA) 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act na nagbibigay sa kanyang ng special powers para matugunan ang pandemic sa ating bansa.

Magugunita na isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong isla ng Luzon sa enhance community quarantine upang malabanan ang mabilis na pagkalat ng sakit. Kamakailan ay nagbanta si Pangulong Duterte ng quarantine na mala-martial law kung patuloy ang kawalan ng disiplina ng ilang kababayan natin pagdating sa quarantine.
Advertisement
“I’m just asking for your disiplina, Kasi pag ayaw ninyo, ayaw ninyong maniwala, magtakeover ang mga military pati pulis. Iam ordering them now to be ready. Ang pulis, pati military ang mag-enforce sa social distancing at ‘yung curfew. Sila na. Parang martial law na rin. Mamili kayo. Ayaw ko, pero pagka naipit na ‘yung bayan at walang disiplina kayo,” sabi ni Presidente Duterte.
Advertisement
Naglaan din ang pamahalaan ng P275 bilyong pondo para matugnan ang masugpo ang paglaganap ng karamdaman. Ang 200 billion sa naturang pondo ay ginamit upang bigyan ng ayuda ang 18 million na pamilyang Pilipino. Ang tulong na makukuha ng bawat benepisyaryong pamilya ay P5,000 hanggang P8,000



Source: Philippine News Agency | News5 | GMA News | PCOO via GMA News

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


ownershome

ownershome

1 comment:

  1. God bless you Tatay Digong 👊👊👊👊👊👊👊👊❤❤❤❤❤❤

    ReplyDelete

Powered by Blogger.