Viral Online News
Breaking NewsBreaking News! Renato Reyes, nanawagan sa pamahalaang itigil ang pag-aresto sa mga lumalabag sa ECQ"dapat makatao at hindi “militarized” ang pagpapatupad ng quarantine"
Breaking News! Renato Reyes, nanawagan sa pamahalaang itigil ang pag-aresto sa mga lumalabag sa ECQ"dapat makatao at hindi “militarized” ang pagpapatupad ng quarantine"
Nanawagan si Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes sa mga tagapagpatupad ng batas na itigil na ang pag-aresto sa mga lumalabag sa panuntunan ng enhanced community quarantine. “Dapat nang ihinto ang patakaran ng kagyat na pag-aresto sa mga tinaguriang quarantine violators dahil ito ang pinagmumulan ng mga abuso,” ayon kay Reyes sa isang virtual rally nitong Biyernes. “Hindi maaaring pag-aresto lang ang tanging tugon ng gobyerno sa mga taong walang face mask, walang trabaho, walang bahay, at nahihirapan,” dagdag ni Reyes.
Advertisement
Aniya, dapat makatao at hindi “militarized” ang pagpapatupad ng quarantine. “Dapat itigil ang offensive military operations sa mga komunidad at sa halip ay magpursige sa usapang pangkapayapaan habang hinaharap ng bansa ang pandemya,” saad ni Reyes. “Dapat buuin ang pinakamalapad na pagtutol sa anumang plano na gamitin ang COVID crisis para magpataw ng martial law at pasistang diktadura,” dagdag pa nito.
Advertisement
Kagaya ng panawagan ng Kilusang Mayo Uno, umapela rin si Reyes sa pamahalaan na pabilisin ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya ng COVID-19 pandemic. Para kay Reyes, hindi dapat maging “sole basis” ang listahan ng Department of Social Welfare and Development sa pamamahagi ng ayuda dahil ilan sa mga mahihirap na pamilya ang hindi kasama rito. “Suportahan natin ang mas masaklaw na listahan ng mga LGU na layong magbigay ng tulong sa pinakamaraming bilang ng nangangailangan. Bawasan ang mga rekisitos ng validation upang mapabilis ang proseso ng pagbibigay ng tulong,” ayon kay Reyes.
Advertisement
“Bigyan ng ayuda ang lahat ng nangangailangan, mula sa kanayunan hanggang kalunsuran, mula sa mga maralita, manggagawa, at hanggang sa mga panggitnang uri na nakakaranas ng kahirapan,” giit pa nito.
Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
Naki usap na ang Pangulo na sumonod sa mga patakaran. Hindi pa din sumosunod... anong pagka maka tao pa ang gusto? Simple lang ang gagawin hindi pa din sinusonod..
oe kaung mga ngrarally himbis n tumulong kau, ngpapasaway p kau,kung kau nanahimik s mga bahay nyo d nkktulong p kau.
ReplyDeleteSTAY HOME FOR SAFETY.
ReplyDeleteSana all lahat na nagrarally mamatay na kayong lahat,
ReplyDeleteNaki usap na ang Pangulo na sumonod sa mga patakaran. Hindi pa din sumosunod... anong pagka maka tao pa ang gusto? Simple lang ang gagawin hindi pa din sinusonod..
ReplyDelete