Breaking News
recent

Breaking News: Timbog Isang Barangay Volunteer, Matapos Gamitin Ang Frontliner ID Para Makapaglako Ng Dr0gA



Isang barangay volunteer sa Quiapo, Maynila ang inaresto ng mga pulis Maynila matapos makatanggap ng tip na nagbebenta ito ng dr0g4. Upang makapag ikot sa Kamaynilaan, ginagamit nito ang kanyang ID bilang frontliner upang hindi masita ng mga otoridad.

Frontliner na tulak pa
Nakilala ang suspek bilang si Najib Canyandatu y Hadji Nor na nakadestino bilang volunteer sa Quiapo, Maynila. Nahuli ang suspek kahapon, Mayo 12. Kasabay umano ng kanyang pagtatrabaho bilang frontliner ng lungsod ay ang paglalako nito ng dr0g4. Hindi nga naman siya paghihinalaan lalo pa at may suot siyang frontliner ID.

Advertisement
Ayon kasi sa quarantine protocol, tanging mga frontliners lamang ang maaaring lumabas at mag ikot sa kalsada. Ang mga volunteer ang siyang katuwang ng gobyerno sa mas mabilis at mabisang pag aabot ng mga ayuda, pati na ang pagpapanatili ng kaayusan ng bawat lugar sa bansa.

Kalaboso ka ngayon
Nakita naman ito bilang oportunidad ng suspek upang malayang makapagbenta ng hindi napaghihinalaan. Lingid sa kanyang kaalaman ay alam na ng otoridad ang kanyang modus. Kung kaya naman, inaresto siya kaagad ng kapulisan ng Manila Police District o MPD. Nakuha sa kanya ang pake-paketeng pulbos na hinihinalang sh4bu.

Advertisement
Sa tantya ng mga pulis, nagkakahalaga ito ng higit kumulang P272,000. Sa ngayon nasa kostodiya na ng MPD police ang nasabing suspek. Nahaharap ito sa kasong Violation of Sections 5 and 11, Article II of Republic Act 9165.

Nadudungisan ang tatak frontliner
Kahit sa panahon ngayon ng krisis ay hindi pa rin nagpapaawat ang mga ilang mga tao sa kanilang masamang gawain. Kahit anong higpit na ng kapulisan ay nakaka gawa pa rin sila ng paraan upang mailusot ang kanilang mga bisyo.

Sabi ng mga netizen, tila walang talab ang bagsik ng kanilang Mayor na si Isko Moreno sa tulad nilang nagtutulak ng dr0g4. Dahil sa ganitong gawain nababahiran umano ng dungis ang tatak ng isang fronliner bilang bagong bayani na lumalaban sa pandemic na COVID-19.

Source: GMA News

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


ownershome

ownershome

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.