Manila – Pinatawag ng National Bureau of Investigation o NBI ang dating aktres na si Mocha Uson na siya tumatayo ngayon bilang Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator. Ito ay dahil sa umano’y mga reklamo sa kanya dahil sa kumakalat na mga pekeng balita. Fake news Matatandaan na nag post si Uson sa kanyang social media account tungkol sa mga personal protective device na aniya ay binili at ibinigay ng Department of Health o DOH sa mga ospital. Maraming umalma sa post na ito lalopa at napag alaman na galing pala ang mga nasabing device sa mga donasyon ng isang pribadong kompanya.
Advertisement
Dahil dito, pinutakte ng samu’t saring pagbatikos si Uson mula sa mga netizen. Anong klaseng opisyal ng gobyerno umano ito at siya pa ang gumagawa at nagpapakalat ng fake news. Nadungisan umano ang kredibilidad ng gobyerno dahil sa mga tulad niya. Inimbestigahan na Sa pangunguna ni NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, pinadalhan ng subpoena si Uson upang imbestigahan sa mga kumakalat umanong fake news na si Uson mismo ang napapasimula. Ayon kay Lorenzo, wala pang kasong isinasampa kay Uson at sinisimulan pa lang nila ang pag iimbestiga.
Advertisement
Dahil sa tambak na reklamo ng mga netizen, nagbigay na nga public apology si Uson. Inamin niya ang kanyang pagkakamali at hiningi ang pasensya ng mga netizen. Subalit, may mga ilang pa rin na galit kay Uson sa kabila ng kanyang paghingi ng dispensa. Hindi umano siya karapat-dapat sa kanyang posisyon dahil wala naman talaga itong alam sa pulitika.
Advertisement
Ayon sa NBI, hindi nila isinasawalang bahala ang mga ganitong kaso lalo na kung ito ay pormal na isinampa ang reklamo. Seryoso umano ang ahensya na sugpuin ang mga ganito klase ng pagpapakalat ng fake news pati na ang mga pagbabanta sa mga opisyal ng gobyerno. Matatandaan na noong Martes ay may hinuli rin sila lalaki matapos mag tweet ito ng malaking pabuya sa kung sino man ang makakapatay kay Pangulong Duterte. Patunay umano ito na wala silang pinipiling hulihin tulad ng mga pag kwestiyon ng mga ibang netizen. Isang halimbawa na umano si Uson na kahit opisyal ng gobyerno at kilalang malapit sa Pangulo ay handa nilang imbestigahan at kasuhan kung mapapatunayan ang kanyang pagkakasala.
Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]- pinasbalita.org
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
No comments:
Post a Comment