Breaking News
recent

LOOK! Bastos, at mahalay na FB pages, pinatatanggal ni Risa Hontiveros sa NBI-AGREE BA KAYO SA BATAS NI RISA?



Hiniling ni Senador Risa Hontiveros sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan at ipasara ang mga online pages na pawang bastos at naglalagay ng mahahalay ng larawan partikular sa Facebook.

Sa kanyang liham sa NBI, sinabi ni Hontiveros na nananatiling aktibo ang ilang FB pages na nananamantala sa murang edad ng kabataan.

“Please help put a stop to Facebook and online pages that sexually exploit children,” ayon kay Hontiveros.
Advertisement
Aniya, nakarating sa kanyang opisina na mayroong mga Facebook pages kung saan naka-post ang napakaraming mahahalay na larawan ng mga babaeng bata.

“Matagal na ang mga Facebook page na ito ngunit active pa rin daw ang mga posts at groups.”

“Isa pa sa nakita namin ang Facebook page na may pangalang “Mahilig sa Bata”. Napakasakit makita ang mga ito, lalo na para sa akin bilang isang ina at babae,” giit ng senador.
Advertisement
Sinabi ni Hontiveros na ngayon may COVID-19 pandemic, may reports na nagsasabing puwedeng mas dumami ang kaso ng online sexual exploitation ng kabataan.

“We need to be more vigilant and make sure that our children are safe and secure, online and offline,” ayon kay Hontiveros.

Dahil dito, nanawagan si Hontiveros sa NBI na imbestigahan at agarang i-take down ang mga Facebook pages na ito.
Advertisement
“Kailangan malaman din ng NBI kung sino-sino ang mga taong nagpapatakbo nito. Kailangang panagutin at ipakulong ang mga kriminal na nasa likod ng mga Facebook pages at online content na ito,” ani Hontiveros.

Aniya, kailangan managot din ang Facebook sa mga kabastusang ito.

“The tech giant, with all its resources, should have technologies and mechanisms in place that prevent these kinds of pages from existing. Sobrang nakakabahala na hanggang ngayon, may mga ganito paring nangyayari sa platform na ito,” ayon sa senadora.
Advertisement
Iginiit pa ng mambabatas na kailangan protektahan ang online space bilang mga safe spaces. “We need to make sure that our children are safe online, lalo na ngayong mas marami ang oras na ginugugol nila sa social media.”

“I am also calling on the public to be more vigilant in ending online sexual exploitation of children by reporting these pages to authorities. Together, we can protect our children,” aniya.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


ownershome

ownershome

3 comments:

  1. Dapat lang na tangalin ang mga ganyangbpages at groups sa fb..tama yan madam senator..

    ReplyDelete
  2. NBI lang o gobyerno? Dapat may batas. At mayroon naman ang tungkol sa cyber crime. Kong may pag kukulang man. Dapat punnan lalo na kong ang page ay published in other countries. Congress should do its homework on this concern. Manawagan lang sa NBI? Ay lagay nyan ay for publicity lang.

    ReplyDelete
  3. NBI, sana alamin din kung saan napunta ang pera ng PhilHealth sa pamumuno mo hontivirus. Wag mo kami lokohin matagal na naming alam ang kabulastugan mo. Your mind conditioning strategy is long been disclosed to Juan dela Cruz.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.