Breaking News
recent

MAG-INGAT! Pasyenteng Positibo Sa COVID-19 Tumakas Sa Isolation Facility Sa Davao City!-MAy PAbuya sa Makabigay Impormasyon!



Davao City- Isang pasyentng positibo sa COVID-19 ang pinaghahanap pa din hanggang ngayon ng mga awtoridad simula nang ito ay tumakas sa hiwalay na pasilidad ng Queensland sa lungsod noong ika-9 nang Mayo.

Ang Tumakas
Si Arani Hajiba 23 anyos na nakatira sa Isla Verde, Brgy 23 C Davao City ang siyang pinaghahanap ng mga awtoridad ngayon. Simula ng tumakas ito sa nasabing pasilidad ng Queensland ay hanggang ngayon wala pa ding ulat sa kinaroroonan nito ayon kay Davao City Police Office (DCPO) Director Police Colonel Kirby John Kraft.

Advertisement
Samantala patuloy pa din ang pagkilos ng kanilang mga koponan sa paghahanap dito at sila ay nagtuon sa komunidad ng mga Badjao na malapit sa karagatan, ngunit sa kasamaang palad ay hindi nila ito nakita sa nasabing lugar. At wala pa din silang natatanggap na kahit anong ulat sa mga residente na maaring makakita dito.

Pabuya
Si Brgy 23-C Wating Usman ay magbibigay naman ng P5,000 libong pisong pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon o makapagtuturo sa nasabing si Arani Hajiba. Nagbigay naman ng babala ang Southern Philippines Medical Center (SPMC) Chief Dr. Leopoldo Vega na si Hajiba ay lubos na makahahawa sa sinumang makakasalumha nito.

Advertisement
Isang kartograpikong guhit ng muka nito ang ipinaskil nang pamahalaang lokal ng lungsod para sa mas mabilis na paghahanap dito. Dahil sa pangyayaring ito ipinabatid ni SPMC medical professional staff chief Dr. Ricardo Audan sa Department Of Health (DOH)-Davao na maglagay nang hukbo ng mga kapulisan sa Queensland higit sa bandang likuran nito upang maiwasan maulit pa ang ganitong insidente.

Ang kaso
Samantala ang mahuhuling tumatakas sa hiwalay na pasilidad ay mahaharap sa kaso sa ilalim ng Republic Act 11332, ang Mandatory Reporting ng Notifiable Diseases at Health Events ng Public Health Concern Act.
Advertisement
Kung sila ay tatakas dapat tandaan nila na carrier sila, na hindi sila nakakatulong sa sitwasyon ng krisis at mas lalo pang makakahawa sila sa iba ayon pa din kay Audan.


Source: SUNSTAR

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


ownershome

ownershome

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.