“GAME!” Ito ang makahulugan at matapang na sagot ng real-life Darna Angel Locsin ng i-repost niya sa Instagram account ang statement ng kapwa aktres at Kapamilya artist na si Angel Aquino. Sinundan pa ito niya ito ng statement na – “Hindi ako uupo at mananahimik.” Tuloy ang laban! Si Angel ang isa sa mga matatapang na personalities na hayagang inilalabas ang saloobin sa pagpapasara ng National Telecommunication Commission (NTC) sa Kapamilya Network. Sa kanyang Instagram na mayroong 7.3 million followers, nag-post si Angel ng isang animated emoji na nakayakap sa ABS-CBN logo with hashtag #MalayangPamamahayag.
Advertisement
Sa caption, sinulat niya- “Para sa kapwa. Sa panahon na kailangan ng hanapbuhay ng mga tao, let’s be considerate and ask ourselves kung makakatulong ba ang mga desisyon natin lalo na sa panahong ito.” Isa ring mensahe ng pagmamahal ang kanyang ipinaabot sa kanyang home network, “To ABS-CBN, isang karangalan po na naging bahagi at nakasama ko po kayo. Mahal ko kayo.” Umiyak si Darna! Ayon naman sa kanyang fiancé na si Neil Arce, hindi umano niya mapahinto sa pag-iyak si Angel matapos ang pamamaalam ng ABS-CBN sa ere noong May 5, 2020. “Breaks my heart seeing her like this.”
Advertisement
Sa kanyang Twitter account na @143redangel, nagpost si Angel ng estimated amount kung sakaling bibigyan ng P5,000 ang bawat isa sa displaced na 11,000 employees, kailangan ng DSWD ng P55 million na budget. Wala rin umanong kasiguruhan kung makakakuha agad ng trabaho ang mga ito. Matatandaan na hindi nagrenew ng kontrata si Angel sa network, so technically, hindi siya nawalan ng trabaho subalit nag-aalala ito sa 11,000 na empleyado na biglang nawalan ng regular na sweldo. Kilala sa kanyang matapang na paninindigan sa mga isyu, hindi rin napigilan ni Angel na sagutin ang mga nagbubunyi sa ABS-CBN shutdown. “Sa lahat ng nagmamagaling at nagsasabi na ‘buti nga nagsara na ang ABS,’ sana masarap ang tulog ninyo ngayong gabi at nakapabayad na ng bills. Sana rin masarap rin ang mga napalengke ninyo na ipapakain sa inyong pamilya. Sana rin walang magkasakit na kailangan ipagamot at gastusan.”
Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]- Abs-cbn
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
No comments:
Post a Comment