“Inanunsyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya hanggang P10 milyon sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang mundo aniya ay hindi pa nakatutuklas ng vaccine at gamot para sa mabilis na pagsugpo sa COVID-19 subalit may mga medisina aniya ang na- test sa buong mundo bilang posibleng gamot para sa respiratory disease.
Nauna rito, tiniyak ng Inter-Agency Task Force (IATF) na handa ang Pilipinas na makilahok sa anumang clinical trials na may kaugnayan sa mga potensiyal na bakunang madidiskubre para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay IATF spokesperson Karlo Nograles, handa ang bansa para sa partisipasyon ng pagsasaliksik ng bakunang Avigan bilang antidote sa COVID-19.
Nasa 50 bansa umano ang interesadong sumali sa pagsasalisik sa posibleng magagawa ng Avigan sa kumakalat na sakit ngayon.
Maliban dito, tinalakay din sa ASEAN Summit ang tungkol sa pagpapalakas ng public health cooperation measures, proteksyon ng mga health worker at iba pang frontline personnel at pagtitiyak sa sapat na suplay ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain at medical supplies.
All disease there is a cure
ReplyDeleteMr presedent si dtor fabunan ng zambaliz sya na po pleas bigyan nyo na po ng panahon nyo
ReplyDeleteTagal nya na po hinihintay ang reply nyo. Si sinator bonggo alam nya yan
ReplyDelete