Breaking News
recent

Breaking News:Pangulong Duterte, may alok na P10M sa makatutuklas ng bakuna vs COVID-19



May alok na P10 million na pabuya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa makatutuklas ng bakuna laban sa bagong coronavirus disease (COVID-19).

“Inanunsyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya hanggang P10 milyon sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang mundo aniya ay hindi pa nakatutuklas ng vaccine at gamot para sa mabilis na pagsugpo sa COVID-19 subalit may mga medisina aniya ang na- test sa buong mundo bilang posibleng gamot para sa respiratory disease.
Advertisement
Maliban sa reward money, may alok din aniya ang Chief Executive na “substantial grant” sa University of the Philippines-Philippine General Hospital para sa pagde-develop ng vaccine.

Nauna rito, tiniyak ng Inter-Agency Task Force (IATF) na handa ang Pilipinas na makilahok sa anumang clinical trials na may kaugnayan sa mga potensiyal na bakunang madidiskubre para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay IATF spokesperson Karlo Nograles, handa ang bansa para sa partisipasyon ng pagsasaliksik ng bakunang Avigan bilang antidote sa COVID-19.
Advertisement
Ani Nograles, natalakay ang nasabing gamot sa ginanap na ASEAN Plus Three Summit na nilahukan ni Pangulong Duterte.

Nasa 50 bansa umano ang interesadong sumali sa pagsasalisik sa posibleng magagawa ng Avigan sa kumakalat na sakit ngayon.

Maliban dito, tinalakay din sa ASEAN Summit ang tungkol sa pagpapalakas ng public health cooperation measures, proteksyon ng mga health worker at iba pang frontline personnel at pagtitiyak sa sapat na suplay ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain at medical supplies.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


ownershome

ownershome

3 comments:

  1. Mr presedent si dtor fabunan ng zambaliz sya na po pleas bigyan nyo na po ng panahon nyo

    ReplyDelete
  2. Tagal nya na po hinihintay ang reply nyo. Si sinator bonggo alam nya yan

    ReplyDelete

Powered by Blogger.